Isa sa mga binigyang-diin sa programa ang kabayanihan nina Andres Bonifacio at Dr. Jose Rizal. Ipinakilala sa mga mag-aaral ang kataas-taasang Kagalang-galangan Katipunan ng mga anak ng bayan (KKK) na itinatag ni Andres Bonifacio upang ipaglaban ang Pilipinas laban sa mga mananakop na Espanyol. Bagama’t sila ay mahina at kulang sa armas, ipakita ng mga Katipunero ang kanilang tapang at malasakit para sa bayan.
Gayundin, bibigyang-pugay si Dr. Jose Rizal na nag-alay ng kanyang buhay para sa bayan. Sa
kabila ng panganib, hindi siya tumingil sa pagpapahayag ng kanyang damdamin at paninindigan
upang gisingin ang mga Pilipino laban sa pang-aabuso ng mga Espanyol. Ang kanilang kabayanihan ay nagpatunay na walang maliit na mahina kung ang layunin ay para sa bayan. Bilang pagtatapos ng programa, inalala rin ang makasaysayang pagbuwis ng buhay ng ating mga bayani, kabilang ang pagbitay kay Bonifacio at ang kamatayan ni Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ang kanilang mga sakripisyo ay nagsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ng mga Pilipino ang laban para sa Kalayaan hanggang makamit ito noong Hunyo 12, 1898.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Niña Maria Learning Center ay nagsilbing paalala na tayo, bilang mga kabataan at mamamayan, ay dapat patuloy na magpahalaga at magmahal sa ating Inang Bayan. Tunay ngang nararapat lamang na ipagmalaki natin na tayo ay mga anak ng bayan-matatapang, mapagmahal, at hindi kailanman magpapasupil.
Text by: Jamerah C. Usman, Grade 6 - Maisonneuve
Photos by: Solian Faith F. Tan, Grade 4 – Madeleine De Landrevie
Chazzy Edzleh A. Matig-a, Grade 5 – Richelete
Timothy James Mertalla, Grade 6 – Maisonneuve

.jpg)



No comments:
Post a Comment